gun-man-
By

Pulis, sugatan sa bagong shooting incident sa Florida, USA

Sharing is caring!

Pinaligiran ng mga pulis sa Panama City, Florida ang isang apartment building kung saan nagtatago ang suspek sa shooting incident sa lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng Panama City na si Caitlyn Lawrence, nananatiling aktibo ang sitwasyon dahil pinuputukan ng shooter ang mga rumespondeng pulis.

Isa sa mga pulis ang nagtamo ng minor injury dahil sa pamamaril.

Sinabi naman ng isang opisyal mula sa Walton County Sheriff’s Office, posibleng sangkot ang suspek sa kahinahinalang pagkamatay ng isang residente sa loob ng bahay nito Sta Rosa Beach kamakailan.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng nasa 50 putok ng baril.

Inilikas na ang mga tao sa kalapit na grocery at mga paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?