29
buy-bust1
By

Pulis sugatan, 6 katao nadakma sa buy-bust ops sa Cainta

Sharing is caring!

Naaresto ang anim na drug suspect habang sugatan ang isang pulis nang mauwi sa barilan ang ikinasang buy-bust operation ng Cainta Municipal Police Station.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Director, alas-3:30 ng madaling-araw kanina nang isagawa ang buy-bust sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Nakikipagtransaksyon ang nagpanggap na buyer sa mga suspek nang makatunog ang mga ito na kausap nila ay mga pulis, bigla na lang sumulpot ang isang suspek na naka-motorsiklo at pinagbabaril ang mga awtoridad.

Tinamaan ng bala sa kaliwang hita si PO3 Allan Sinampan dahil sa pamamaril.

Hindi naman nakaganti ng putok ang mga pulis sa mga suspek dahil sa takot na madamay ang mga sibilyan sa lugar, ngunit naaresto ang mga salarin na sina Joenard Borja, John Carlos Vertudez, Oscar Litab, Mark Renniel, Fabby Lora at Gemma Oliva. Nakatakas naman ang isa sa kasama ng mga ito.

Nakuha sa mga ito ang walong gramo ng shabu na umaabot ng halagang P40,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?