177

By

Pulis sinaksak ng kapitbahay?

Sharing is caring!

Binaril ng isang pulis ang kanyang kapitbahay matapos na saksakin siya nito nang tanggihan niya ang inaalok na isang tagay na alak kagabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Station 3, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi (Disyembre 4) sa Aratiles St., Purok 4, Brgy. Culiat, QC.

Napadaan umano si PO1 Benjamil Romoros Saransaman, 25, may-asawa at nakatalaga sa QCPD Batasan Police Station 6, sa tapat ng bahay ni Raymond Diliera Tongol, 30, may live-in partner, self-employed, sa Aratiles St., Purok 4 ng nasabing barangay.

Nakikipag-inuman noon ang suspek sa kanyang mga pinsan na nakilalang sina Reygan at Jerson.

Tinawag umano ni Tongol ang nasabing pulis at inalok na tumagay muna subalit ikinagalit iyon ni Saransaman at nagbantang babalikan siya nito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik ang pulis na armado na umano ng kalibre 9mm Piettro Berreta pistol at binaril si Tongol na tinamaan ng bala sa kanang hita.

Pero ayon naman kay Saransaman, nagresponde lamang siya sa inuman ng magpipinsang Tongol dahil pinagtripan at binastos umano ng mga ito ang kapatid niyang si Marben Saransaman.

Pagdating umano niya sa harap ng bahay ni Tongol ay nakita niya na may hawak na itong patalim at bigla na lamang siyang sinugod ng saksak sa tiyan pero mabilis naman siyang nakaiwas kaya mababaw lamang ang tinamo niyang sugat.

Nang muli umanong aatekehin ng saksak ni Tongol ang pulis ay binaril na ito ng huli at tinamaan sa hita.

Dahil dito kinasuhan ni Tongol si PO1 Saransaman ng frustrated homicide habang sinampahan naman ng pulis ang una ng attempted homicide sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }