342

By

Pulis pinatay ng kapwa pulis dahil sa love triangle

Sharing is caring!

Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin sa dibdib ng kaniyang kapwa pulis.

Binaril nang tatlong beses sa dibdib si PO1 Mark Carlo Pasamba ng kaniyang kapwa pulis na si PO1 Carlos Alberato Aljama, Sabado sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Parehong naka-destino ang dalawa sa NCRPO Regional Mobile Force Batallion (RMFB) pero nagmula sa magkaibang unit. Nagtagpo ang dalawa nang magkita ang mga ito sa pinuntahang seminar para sa kapulisan.

Ayon sa isang source na nakakita sa insidente, paalis na sana si Pasamba nang galit itong kinompronta ni Aljama sa Camp Bagong Diwa, ganap na 8:30 ng umaga nitong Sabado.

Sinigaw-sigawan ni Aljama si Pasamba matapos ay binaril ito gamit ang 9mm service firearm.

Sinugod sa ospital ng Taguig-pateros District si Pasamba at doon siya ay namatay.

Nasa kustodiya naman ng kapulisan si Aljama.

Samantala tinitingnang anggulo ng mga pulis na love triangle ang maaaring rason ng naganap na insidente.

Ayon kay NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar, saad umano ng suspek mayroong relasyon ang biktima sa asawa niya na isa ring pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?