224

Jan 10, 2022 @ 18:42
By

Pulis pinatawad sumampal na babae, sinaluduhan

Hinangaan ang isang pulis matapos patawarin ang isang babaeng nanampal sa kanya sa isang mall.

Sa Facebook, ibinahagi ng PCADG Cagayan Valley ang viral na pananampal kay Patrolman John Paul Sudario, ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office.

Ayon sa ulat, naunang nag-eskandalo ang babae sa isang tindahan ng cellphone at inireklamo siya dahil sa pagiging marahas at pagbabanta.

Mahinahon umano itong napalabas ng mga guwardiya ngunit nagpumilit na muling makapasok sa mall.

Dahil hindi na ito pinayagan, muling nagwala ang babae kaya itinawag na ito sa kapulisan.

Dito na rumesponde si Patrolman Sudario. Ngunit matapos hatakin ng babae ang face mask ng guwardiya, ang pulis naman ang pinagbalingan niyang sampalin.

Humingi ng tawad ang kapatid ng babae at sinabing may sakit ito sa pag-iisip.

Dahil sa awa at pagmamahal sa kapwa, minabuti na lamang ni Patrolman Sudario na huwag magsampa ng kaso laban sa babae.

Narito ang ilang comment ng netizens:

Roderick Dela Rama: “Saludo ako sa iyo, Sir. Yan ang tatak ng isa mabuting pulis at alam ko na itinuro sa iyo ng iyong superior. Mabuhay ka Sir at PNP na sasakupan mo.”

Rens Mainit Batislaong: “Proud of You Sir. Sana kapag umulan.. Magpa ulan.ka ng dumami pa ang katulad mo mga pulis.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?