72

By

Pulis, person of interest sa pagpatay sa negosyante

Isang negosyante ang patay matapos tambangan ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Malabon City kagabi.

Sa ulat ng Malabon City Police-Homicide Unit, alas-6:30 ng gabi naganap ang insidente sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street, Barangay Maysilo.

Magdedeliber sana ng mga baboy ang biktimang si Rolando Ruado, nasa hustong gulang, kasama ang anim niyang mga kaanak na menor de edad nang biglang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang una sa tapat ng Denstar Hardware.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa batid na direksiyon.

Dead on the spot ang biktima.

Ayon sa misis ng biktima na si Jospehine Ruado, wala silang alam na kaaway nito maliban sa isang SPO2 Percival Baldemoro na nakatalaga umano sa Navotas City Police na nakasagutan ng biktima noong bisperas ng Bagong Taon.

Sa ngayon ay hindi itinuturing na suspek si Baldemoro at person of interest lang.

Handa umano si Baldemoro na sumailalim sa interogasyon upang mapatunayang wala siyang kinalaman sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?