141

Jul 2, 2020 @ 19:02
By

Pulis patay sa pamamaril sa Sultan Kudarat

Isang pulis ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan sa nangyaring shooting incident sa isang checkpoint sa Sultan Kudarat noong Lunes.

Ayon sa ulat ng Esperanza Municipal Police Station, napatay sa shootout si Police Executive Master Sergeant Arnold Paclibar.

Kinilala ang mga sugatan na sina Police Staff Sergeant Chato Maycong; Josephine Danggan, isang barangay health worker; at Arnel Saldo, tanod sa Barangay Poblacion.

Nakabase ang dalawang pulis sa Esperanza Municipal Police Station.

Nagsasagawa umano ang mga biktima ng quarantine checkpoint sa lugar nang parahin ang dalawang sakay ng mga motorsiklo at hanapan ng mga dokumento.

Dito nadiskubre na hindi tugma ang dokumentong hawak ng mga salarin sa mga motorsiklo nila.

Isa sa pasahero ang bumunot ng baril at pinutukan si Paclibar.

Gumanti umano ng putok si Maycong pero agad na tumakas ang mga suspek habang idineklarang dead on arrival sa ospital si Paclibar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?