31
socoa
By

Pulis patay sa pamamaril sa Cebu

Sharing is caring!

Nasawi ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) makaraang pagbabarilin sa Alegria, Cebu noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Officer 3 Jonathan Yaun Tilos na nakatalaga sa Ginatilan Police Station.

Sa ulat ng Police Regional Offcie 7 na nakarating sa Camp Crame , nangyari ang insidente alas 8:00 ng gabi kagabi sa Brgy Poblacion, Alegria, Cebu.

Batay sa inisyal na imbestigasyon , may nakasagutan si Tilos na motorista bago nagtungo sa isang gym para mag-work out.

Pagkatapos ang work out ay inabangan siya nang di nakilalang suspek at pinagbabaril habang pasakay ng kaniyang sasakyan.

Agad tumakas ang suspek sakay ng isang itim na kotse.

Isinugod pa sa Reinhard Wirtgen Hospital, Alegria, Cebu ang biktima ngunit ideneklara itong Dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?