90

Sep 29, 2017 @ 18:28

Pulis, patay matapos atakehin sa puso habang nag-e-exercise

Dead-on-arrival sa PNP General Hospital ang isang pulis na nakatalaga sa Police Security Protection group makaraang atakihin sa puso matapos na mai-exercise sa loob ng Camp crame kamakalawa.(sept 28)

Kinilala ang biktima na si SPO2 Moisis Tegrado, 50, at may iniindang hypertension at diabetes.

Ayon kay PNP health Service director Police chief Supt Edward Carranza naisugod pa ang bikitima sa emergency room ng PNP general hospital pero hindi na ito naisalba pa ng mga doktor noong Huwebes ng hapon.

Ang biktima ay nakikiisa sa slim possible program na regular na ginagawa ng mga pulis sa grandstand sa Camp Crame. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?