198

Oct 3, 2019 @ 14:48
By

Pulis patay habang nag-e-exercise

Nasawi ang isang aktibong pulis matapos atakihin habang ito ay nagsasagawa ng morning exercise sa loob ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig.

Naisugod pa ng kanyang mga kasamahan sa Paranaque Doctors Hospital ang biktimang si PSSG Victorino Oreiro Jr., nasa hustong gulang at nakatalaga sa Taguig City Police Station subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Lumalabas sa report ng Taguig City Police, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa loob ng compound ng NCRPO.

Nabatid na habang nagsasagawa nang pang-umagang exercise si Oreiro para sa Police Junior Leadership Course na dinaluhan nito.

Bigla na lamang ito natumba at nalamang na naka-cardiac arrest ang naturang pulis, dahilan upang kaagad itong isugod sa nasabing pagamutan ng mga rescue team ng NCRPO.

Subalit, diniklarang dead-on-arrival si Oreiro mga doctor.

Gayunpaman iniimbestigahan din ang nangyaring insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?