114

Mar 9, 2019 @ 15:08
By

Pulis-Pasig, sabit na naman sa pangingikil

Matapos masabon ng National Capital Region Police Office at Eastern Police District (EPD) ang isang pulis Pasig sa kasong pangingikil, isang pulis na naman mula sa nabanggit na lungsod ang hinainan ng warrant of arrest sa kaparehong asunto.

Batay sa report, inaresto ng mga tauhan ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang desk officer na si PO2 Edgar Santos, miyembro ng EPD roving patrol, sa loob ng headquarters bandang ala-1:06 ng madaling-araw nitong Marso 9.

Pinangunahan ni P/Supt. Renante Lambojo, ng CITF, ang paghuli kay Santos dala ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Don Ace Marlano V. Alagar, acting presiding judge ng MTC Branch 42 ng Quezon City sa kasong estafa.

Inaresto si Santos dahil sa pagkakasangkot sa robbery-extortion matapos mangikil umano ng P100,000 sa isang nabiktima noong Disyembre 10, 2018 sa Marikina City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?