By

Pulis-Pasig, armado na ng body cams

Sharing is caring!

Nanguna ang Pasig City Police sa pagpapatupad ng body cameras na kung saan lahat ng pulis na nakatalaga sa bawat presinto ay may suot na body cameras upang matiyak na may transparency na nagaganap sa bawat imbestigasyon.

Kung kaya hinihikayat ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula ang mga hepe ng Marikina, Mandaluyong at San Juan Police Stations, na makipag-ugnayan sa kanilang mga local chief executive at suportahan at gayahin ang inisyatiba ng Pasig City Police na magkaroon na ng body cams sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay Pasig City Police Chief P/Senior Supt. Orlando Yebra, nagdaan sa masusing orientation ang kapulisan na gagamit ng body cam.

Umaabot sa 48 units ng body cam ang ibinigay ni Pasig City Mayor Robert Eusebio na agad na ipinamahagi sa 11 police community precincts para sa search and rescue units at operatives.

“This is in compliance to the directive of the Chief PNP (Director General Ronaldo ‘Bato’ dela Rosa) to utilize the use of body cam in police operation to document all what’s happening in the ground such as checkpoint operations, raid, surveillance, Oplan Sita, Galugad, etc.,” ani Sapitula.

Layunin nito na maprotektahan ang kapulisan sa sinumang mag-aakusa sa kanila ng mali sa bawat imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?