310

By

Pulis, pamilya patay sa sunog sa Marikina

Isang pamilya ang nasawi nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay matapos sumiklab ang sunog sa katabing burger store sa Col. Divino St., Barangay Sto. Niño, Marikina City kaninang madaling-araw.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga nasawi na si PO3 Rome Mar Sumait, ng Marikina PNP; asawa na si Genn Dolly, 28; anak na si Kaizer Lee, 6; at Kenzie Faye, 3, pawang mga residente ng No. 17 Colonel Divino St., Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Ayon sa report ng Marikina Fire Department, nangyari ang sunog alas-2:47 madaling-araw (Enero 9) sa No. 15 Col. Divino St., Barangay Sto. Niño sa Cherry’s Signature Burger Store kung saan nadamay ang mga katabing bahay.

Nabatid na ang bunsong anak ng pulis ay nasa bahay ng lola nang maganap ang aksidente.

Agad na dinala sa Ka Andres Funeral Parlor ang mga labi ng magkakaanak.

Ayon kay FSupt. Randolp Vides ng Marikina BFP, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog na idineklarang fire out na bandang alas-3:39 ng madaling-araw.

Maliban sa bahay ng pamilya Sumait, nasa limang bahay pa ang nadamay din sa sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?