90
arrested
Dec 1, 2019 @ 21:53

Pulis pala! Kriminal dinampot ng dapat papakasalan

Isang kriminal ang na-wow mali ng isang undercover agent nang hulihin ito sa kanilang engagement ceremony sa Madhya Pradesh, India.

Napag-alaman ng mga awtoridad na naghahanap ng mapapangasawa si Balkishan Chaubey, isang lalaki na may 16 criminal case kasama na ang murder, kaya naman hindi nagpatumpik-tumpik ang mga pulis na sunggaban ito.

Kaagad na kinontak ng lady cop ang kriminal na isang taon nang nagtatago.

Isang linggo lang matapos makausap si Chaubey, nag-propose na ang lady cop sa kriminal kung saan nagtagpo sila sa Bijouri temple para sa Roka ceremony, isang pre-wedding ritual ng mga Indiano.

Dito na naganap ang entrapment operation at matagumpay na nahuli si Chaubey at diniretso sa kulungan matapos na hindi payagang magpiyansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?