21

Jul 10, 2021 @ 12:57
By

Pulis obligado na magsuot ng body cam

Mandatory nang magsuot ng body camera ang mga awtoridad kapag nagpatupad ng search at arrest warrant.

Batay ito sa inilabas na Administrative Matter 21-06-08-SC ng Supreme Court na may petsang June 29, 2021.

Kapag nabigong sumunod sa kautusan, hindi na magiging valid ang ebidensiya na nakumpiska ng mga pulis para magamit sa pag-uusig.

Mananagot din sa korte ang mga pulis na bigong magsuot ng body camera at nagmanipula nito.

Dapat paganahin ang video at audio recording ng body camera pagdating sa lugar hanggang sa makumpleto ang pagdakip at madala ang suspek sa kulungan.

Kinakailangang magsuot ng kahit isang body camera at isang alternatibong recording device ang bawat pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?