34

By

Pulis-NPD arestado sa pagpapaputok ng baril sa Bulacan

Sharing is caring!

Isang pulis ang dinakip dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa Balagtas, Bulacan noong Pebrero 8.

Ayon kay Chief Insp. Restituto Granil, hepe ng Balagtas Police, nakilala ang suspek na si Police Officer 1 Arwin Bornel, nakatalaga sa Northern Police District (NPD) at Valenzuela City Police Station.

Sa ginawang imbestigasyon, ini-report ng isang residente ng Northville 6 sa bayan ng Balagtas ang pagpapaputok ng suspek sa hindi pa batid na kadahilanan.

Agad rumesponde ang Balagtas Police kung saan naaresto si Bornel at nakumpiska sa kanya ang isang Taurus .45 kalibre na baril na may dalawang magazines at loaded ng bala.

Mahaharap si Bornel sa kasong illegal discharge of firearm, alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?