229
Pulis
Dec 29, 2017 @ 13:50

Pulis ninakawan, binugbog sa Cebu

Pinagnakawan na ay binugbog pa umano ang isang pulis na nakatalaga sa San Francisco Police Station sa Camotes, Cebu City.

Nakilala ang pulis na si PO2 Roldan Florentino, 36, na ninakawan umano at binugbog, madaling-araw ng Huwebes (Disyembre 28) sa Miñoza Street, Barangay Talamban, Cebu City, sa report ng SunStar.

Naaresto ng Talamban Police Station sa kaguluhan si Ian Paul Cabarrubias, 33, at nailigtas ang limang menor de edad.

Bumibili umano noon si Florentino sa isang tindahan at pagbalik niya ay sira na ang kanyang motorsiklo. Humingi siya ng tulong sa grupo ng nag-iinuman sa lugar sa tabi ng kanyang motor.

Imbes tulungan ay binugbog siya at nang sabihin niyang pulis siya ay sinigawan pa siya ng, “Police diay ka? Abusado ni (Pulis ka? Abusado ka!),” sabay pukpok umano ng bote sa kanyang ulo.

Kinuha rin umano ng mga ito ang baril na Glock 17 na may lamang 16 na bala at P3,800 ng pulis.

Ayon kay Sr. Insp. Arieza Otida, hepe ng Talamban police, nagsagawa na sila ng operasyon sa ikaaaresto nina Christian Dionson, Jefferson Dionsion, Ryan Fortuna at ang negosyanteng si Rico Dionson, na nakita umano sa CCTV na tumulong para makatakas ang isa sa mga suspek.

Inimbita umano nila ito sa imbestigasyon pero hindi tumugon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?