26

By

Pulis nasa ‘hot water’ dahil sa nakapugang preso

Sharing is caring!

Nalagay sa alanganin ang isang kagawad ng Northern Police District-Special Operations Unit matapos nitong palabasin ang isang preso dahil sa pananakit ng tiyan sa Caloocan City noong Mayo 19.

Sa pagmamagandang-loob ni PO3 Ernesto Estrella ay natakasan siya ng preso na si Leonardo Retiro, may kaso kaugnay sa iligal na droga, dakong alas-9:30 ng umaga.

Dahil sa nangyari, nasa restrictive custody ng Philippine National Police (PNP) ang pulis habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon hinggil sa insidente ang kanyang mga kabaro.

Bago nito, dumaing umano ng matinding pananakit ng tiyan si Retiro kaya inilabas muna ng kulungan ni Estrella at pinaupo sa silya para maginhawaan.

Itinawag ni Estrella sa kanyang kasamahang pulis ang sakit ni Retiro para madala sa ospital ang bilanggo.

Humingi pa umano ng tubig si Retiro sa pulis pero pagbalik nito ay nakatakas na ang preso.

Hinabol ng pulis si Retiro pero hindi na ito nakita pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?