297

By

Pulis nanutok ng baril, nanuntok ng 2 bata sa Pangasinan, timbog

Arestado ang isang lasing na miyembro ng Philippine National Police (PNP) dahil umano sa panununtok nang walang dahilan sa dalawang kabataan sa Villasis, Pangasinan noong Biyernes ng gabi, Setyembre 20.

Ayon sa ulat ni Villasis Police Station (VPS) chief-of-police P/Maj. Fernando Fernandez kinilala ang suspek na si Pat. Rolando Merto Jr., nakatalaga sa Regional Internal Affairs Service-Regional 3 ng Camp Olivas. San Fernando, Pampanga ng Barangay Puelay, Villasis ng nasabing lalawigan.

Sinabi ni Fernandez, ayon sa testimonya ni dating barangay kagawad Elvin Salazar, nangyari ang insidente bandang alas-8:15 ng gabi sa bahay ng suspek kung saan ay dumalaw ang kanyang apo na si Kurl David S. Manzano, 18 at pinsan nitong si Giechael M. Mingarine, 16, parehong taga Zone 2, Villasis.

Sinabi ni Salazar na sinamahan ni Mingarine si Manzano upang maghatid ng chocolate sa liniligawan nito si Khristelle Ayla Ragojo sa isang residential compound na kung saan nakatira din si Merton at kasalukuyang umiinom ng alak sa labas ng kanyang bahay.

Habang papunta sina Mingarine at Manzano kay Ragojo, sa walang kadahilanan, biglang tinutukan ni Merto ang dalawang kabataan ng kanyang Glock 17 pistol na may 16 live ammunitions.

“Nanginginig na umuwi na lang mga mga bata dahil tinutukan sila ni Merto ng kanyang baril nang walang kadahilanan,” ani Salazar.

Ayon sa VPS, habang nakatutok ang baril, nagbanta pa umano ang suspek na babarilin sila (Mingarine at Manzano) kung hindi sila aalis sa loob ng kanilang compound.

Napag-alaman ng Abante na ang suspek ay may mga pending na kaso at isa dito ay ang pamamaril ng sasakyan sa kanilang barangay.

Samantala, inutos ni Pangasinan Provincial Police Office acting director P/Col. Redrico Maranan si Fernandez na sampahan ng kaso si Merto at buhayin muli ang kanyang mga nakabinbin na kaso.

Si Merto ay nakakulong ngayon sa VPS detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?