34

Oct 29, 2020 @ 19:51
By

Pulis nanghalay ng pasaway sa curfew, arestado

Sinibak at dinakip ang isang police lieutenant matapos akusahan ng isang 24-anyos ng panggagahasa sa kanya sa loob ng San Miguel Municipal Police Station (SMMPS) sa Bulacan.

Ayon sa ulat, agad ipinag-utos ni Brig. Gen. Valeriano de Leon, Police Regional Office 3 director, ang relief at restriction laban kay Lt. Jimmy Fegcan matapos magsumite ng affidavit ang biktima.

Iniulat din na si Fegcan ang pinuno ng isang unit sa San Miguel Police Station.

Miyerkoles ng madaling-araw hinuli ni Fegcan ang biktima at dinala sa kanyang quarters sa police station kung saan umano niya ginahasa.

Nasa mahigpit na kustodiya na ng SMMPS si Fegcan para hindi makatakas at habang naghihintay ng inquest proceedings sa paglabag niya sa Republic Act No.8353 o “Anti- Rape Law”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?