28

May 2, 2021 @ 12:25

Pulis naloko ng P1.2M sa ‘love scam’

Kahit pulis ay nabiktima din sa online love scam matapos itong makikilan ng isang nagkunwaring babae na na-stranded sa ibang bansa.

Sa report ng South China Morning Post, ni-report ng isang pulis mula Hong Kong ang modus ng kanyang kausap online kung saan nagbigay siya ng HK$200,000 o aabot sa P1.2M.

Nakilala umano ng pulis ang babae sa dating app noong Disyembre, at makalipas ang ilang buwan ay nanghingi na ito ng malaking halaga sa kanya.

Dahilan daw ng kanyang ka-fling online, na-stranded umano ito sa Japan dahil sa COVID-19 pandemic at kailangan ng pera.

Matapos maibigay ang pera ay hindi na umano makontak ng pulis ang naturang scammer.

Sa Hong Kong, aabot na sa 905 ang kaso ng online love scam, kung saan pumalo na sa HK$212 million ang tantsang nanakaw ng mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?