130

Sep 18, 2021 @ 8:52
By

Pulis nagbiro, napatay kaibigan

Patay ang isang lalaki matapos umanong aksidenteng mabaril ng kaibigang pulis sa Barangay 183, Gagalangin, Tondo, Manila noong Biyernes.

Sumuko ang suspek na si Police Corporal Oliver Ferrer, ayon sa report sa “State of the Nation”.

Sa ipinalabas na CCTV footage, kausap ni Ferrer ang biktimang si Jason Capistrano at ilang residente sa labas.

Pabiro umanong binunot ng pulis ang kanyang baril ngunit aksidente umanong pumutok kung saan tinamaan ng bala sa tagiliran ang biktima.

Hindi na naisalba sa Chinese General Hospital ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?