93

Oct 27, 2020 @ 20:03
By

Pulis na umaresto sa lady Grab driver, tututukan ng IAS

Nakahanda na ang posibleng maikaso kay Pol. Capt. Ronald Saquilayan sa nag-viral na pagpapaaresto sa isang babaeng Grab driver sa Taguig dahil sa bangayan sa daanan ng sasakyan.

Ayon kay Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) director Inspector General Alfegar Triambulo, nakakasa na ang summary hearing para kay Saquilayan para malaman kung anong mga ikakaso dito sa naging gulo kay Florence Norial.

“Mag-submit siya [Norial] bukas ng statements at evidence like CCTV footage and affidavit of witnesses. Within this week ma place na ang case ni Capt. Saquilayan and others under summary dismissal proceedings,” saad ni Triambulo.

“Pumunta dito ‘yung victim kanina during clarificatory hearing, conducted by IAS pre-charge investigator. Willing na daw siya hawakan ang kaniyang case ng IAS,” aniya pa.

Posibleng mapanagot si Saquilayan sa mga reklamong grave misconduct, serious irregularities, at conduct unbecoming of a police officer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?