2

Jul 27, 2020 @ 12:25
By

Pulis na tatamaan ng COVID may medical, financial aid

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na mabibigyan ng sapat na medical at financial assistance ang lahat ng pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base sa huling datos ng PNP Health Service, nasa 2,008 na ang mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 matapos na makapagtala ng panibagong 76 na kaso nito.

“Ang suwerte lang talaga ang PNP dahil halos lahat ng aming infections are asymptomatic pero kung meron naman kaming mga symptomatic just like may mga naa-admit sa mga hospital, I would always see to it that the PNP personnel would not spend a single centavo. Ang guidance ko palagi is let’s take care of their hospital bills, kung ano ang mga kailangan na medicine bigyan natin and of course yung sort of prevention,” pahayag ni Gamboa sa isinagawang press briefing sa Camo Crame nitong Lunes.

Paliwanag ni Gamboa, ang isang pulis na OVID-19 positive ay kinakailangang sumailalim sa 14 na araw ng quarantine bago sumailalim ulit sa swab test, at kapag nagnegatibo na ang resulta nito ay pagpapahingahin muna sa loob ng pito hanggang 10 araw bago sumabak uli sa trabaho.

“As a matter of fact dito sa NHQ [national headquarters] nag-adopt kami ng 14 days kumbaga home quarantine and 14 days na duty `yon `yong ginagawa namin dito sa PNP and of course assuring them na ma-infect man kayo the PNP will take care of it,” saad pa ni Gamboa.

Sa ngayon ay mayroon ng 716 na PNP personnel ang nakarekober sa COVID-19 habang 10 na ang nasawi sa kanilang hanay.
Mayroon pa ring minomonitor ang PNP Heath Service na 725 probable cases at 2,445 suspected cases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?