48

Oct 30, 2017 @ 13:44

Pulis na tambay sa E-City, ikokonsiderang suspek sa kidnap for ransom

Tututukan ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Intelligence ang mga pulis na malimit tumambay sa Entertainment City o E-City.

Ito ang iniutos ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa matapos madiskubre na lider at miyembro ng kidnap for ransom group (KRG) na dumukot at pumatay sa negosyante at junket operator na si Carlos Tan.

Ayon kay Dela Rosa, awtomatikong ikokonsidera nilang suspek o kabilang sa KRG ang mga pulis na mamomonitor na malimit na tumatambay sa mga Entertainment City.

Sinabi pa ng hepe na ilan sa mga pulis na tumatambay dito ay mga “ninja cops” na hindi nag-report  sa Mindanao partikular sa Basilan at Marawi na posible aniyang nag-aabang ng mabibiktima sa E-City. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?