275

Apr 20, 2021 @ 15:07
By

Pulis na suspek nagpakamatay: Babaeng nagreklamo ng rape, todas sa Cebu

Binaril at napatay ang isang babae na inireklamo ng panggagahasa at extortion ang ilang pulis sa Cebu City.

Lunes ng gabi nang matagpuan ang katawan ni Ritchie Nepomuceno sa kahabaan ng N. Bacalso Avenue na may ilang tama ng bala.

Matatandaan na kinasuhan ni Nepomuceno ang 11 na pulis ng robbery, grave threat at arbitrary detention dahil kinuha umano ng mga ito ang gamit ng babae.

Kasama sa nakasuhan si Police Staff Sergeant Celso Colita, na inakusahan ni Nepomuceno ng panggagahasa sa kanya ng dalawang beses.

Kasunod ng pagkamatay ni Nepomuceno ay kinitil naman ni Colita ang kanyang buhay matapos barilin ang kanyang sarili.

Nasa loob ng Camp Sergio Osmena Sr. si Colita upang kuwestiyunin sa pagpatay kay Nepomuceno nang magpaalam ito na magtutungo sa banyo.

Doon na nagpakamatay si Cosital na sinubukan pang dalhin sa ospital ngunit dineklara ring dead-on-arrival.

Kasama sa mga nakasuhan ng babae at tinanggal sa serbisyo ay sina Chief MSgt. Eric Edgar Ernia; Staff Sergeant Joseph Alcoseba and Michael Rhey Cabizares; Corporal Emmanuel Martinez, Rochelito Mabulay, Ejill Ferrolino, Carlo Irizari, Junel Pedroza, John Carl Aceron at Georny Abrasado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?