112

Dec 28, 2017 @ 9:39
By

Pulis na sangkot sa indiscriminate firing, sisibakin sa serbisyo

Ito ang ibinabala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Albayalde, mahigpit ang naging tagubilin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, sa lahat ng pulis na iwasan ang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong sa 2018.

Gayunman, kumpiyansa si Albayalde na tatalima sa kautusan ng chief PNP ang mga pulis kaya tiwala sila na disiplinado ang kanilang mga tauhan at hindi na kailangan pang busalan ang gun barrel ng mga baril ng mga pulis.

Pero umapela rin si Albayalde sa iba pang mga nagmamay-ari ng mga baril na umiwas sa pagpapaputok nito para sa kaligtasan ng publiko.

“Papasukin po namin agad ang bahay ng sinumang maaaktuhan na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon,” wika ni Albayalde. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?