134

Jan 2, 2018 @ 9:47
By

Pulis na sangkot sa indiscriminate firing, kakasuhan

Walang kawala.

Ito ang mariing inihayag ng pamunuan ng PNP na tumutukoy sa mga pulis na mapatutunayang sangkot sa indiscriminate firing.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, walang makalulusot sa mga pulis na mapatutunayang sangkot sa walang patumangging pagpapaputok ng baril.

“Kakasuhan ang sinumang pulis na lalabag sa direktiba ni PNP chief Ronald dela Rosa na nagbabawal sa ilegal na pagpapaputok ng kanilang mga baril,” pahayag ni Carlos.

Sinabi ni Carlos na malaki rin ang posibilidad na madi-dismiss sa serbisyo ang sinumang pulis na susuway sa nasabing kautusan.

Binanggit din ng opisyal na nagpatupad sila ng one-strike policy sa mga ground commanders na hindi magagawang maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa kanilang nasasakupan sa loob ng 24 oras.

Una rito, napaulat na may pulis umanong nagpaputok ng kanyang baril nitong bisperas ng bagong taon sa may bahagi ng lungsod ng Las Piñas. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?