22

By

Pulis na napatay sa drug ops sa Bulacan, binisita ni Duterte

Sharing is caring!

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulis na napatay sa isang drug operations sa Norzagaray, Bulacan nitong weekend.

Pasado alas-tres ng madaling araw nitong Miyerkules ng dumating ang Pangulo sa burol ni SPO1 Ronaldo Legazpi at ginawaran ito ng posthumous award na Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kalasag.

Ang award ay ibinibigay sa mga individwal na nagsusulong kampanya o adbokasiya ng Presidente.

Madaling araw dumating ang Pangulo sa burol ng nasawing pulis dahil tinapos muna nito ang ipinatawag na pulong sa liderato ng kamara at senado sa Malacañang, pati na rin ang command conference ng kanyang mga security officials.

Nag-abot ng tulong pinansiyal si Pangulong Duterte sa pamilya ni SPO1 Legaspi at scholarship sa mga naiwang anak ng pulis.

Kasamang dumalaw ng Pangilo sina Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa at Special Assistant to the President Bong Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?