45

Aug 3, 2022 @ 15:23
By

Pulis na nanggahasa pinapaimbestigahan

Pinapaimbestigahan na ang kasong rape kung saan sangkot ang isang pulis ng Pasig City Police ngayong Miyerkules.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Felipe Natividad, siniguro niyang parurusahan ang salaring si Cpl. Mario Maramag.

Sa mga report na kanyang natanggap, pumunta sa kanilang opisina ang 29-anyos na biktima para magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Lunes nang maganap ang insidente sa isang motel sa Brgy. Bagong Ilog.

Sumuko si Maramag at kasalukuyang nakakulong habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sabi pa ni Natividad, hindi niya pahihintulutang gumawa ng masamang bagay ang mga pulis.

“We will never allow the police to be abusive and freely do bad things, especially to civilians. We will not stop anyone, no matter who you are, if something is done against the law, we will make sure that they pay for it,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?