267
views
kulong
By

Pulis na nang-harrass ng isang condo tenant, arestado sa Maynila

Sharing is caring!

Inaresto ng Manila Police District ang isang Police Coronel at kasamahan nitong babae na inireklamo ng pangha-harrass sa isang tenant ng condominium sa P. Ocampo sa Malate, Manila nitong Miyerlules ng gabi.

Kinilala si MPD station 9 Commander Police Superintendent Eufronio L. Obong Jr. ang pulis na si Police Senior Superintendent Enrique Ancheta na nakatalaga sa Crime Laboratory sa Kampo Crame at kasama nitong babae na si alyas “Bing”.

Sa kuwento ng complainant na si alyas “Meg”, humingi siya ng saklolo sa Station 9 dahil pilit umano siyang pinalalabas ng pulis sa kanyang unit at pinapipirma sa isang dokumento.

Tinakot din umano ng suspek ang mga rumespondeng pulis kaya dinala ito at kasamang babae sa istasyon.

Sa salaysay ni Ancheta, pinapipirma lamang niya ang complainant sa isang affidavit para patotohanan ang ginawang pagnanakaw ng dalawa nitong kaibigan sa mga kakikilala nitong koreano.

Ayon sa pulis, P60,000 cash ang natangay mula sa mga koreano ng mga kaibigan ni alyas Meg na nagkakilala sa isang KTV sa Malate noong nakaraang linggo.

Sinabi naman ni Supt Obong na posibleng maharap sa kaso si Ancheta dahil sa hindi nito pagsunod sa police operational procedure nang mabigo itong makipag -ugnayan sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?