240

Oct 9, 2020 @ 12:09
By

Pulis na nang-harass umano kay Nova Parojinog sinibak

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na inalis na sa puwesto si PNP Custodial Service Unit chief Lt. Col. Jigger Noceda noong Oktubre 7.

Sabi ni PNP spokesperson Col. Ysmael Yu, Oktubre 9, ito ay dahil sa umano’y sexual harassment sa binabantayang dating Ozamis City Vice Mayor na si Nova Parojinog.

“Police Lt Col Jigger Noceda is on restrictive custody of Director. This a basic rule under PNP policy,” text pa ni Yu sa mga reporter.

Matatandaang nakapiit si Parojinog sa custodial center dahil sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?