80

Dec 20, 2017 @ 17:42
By

Pulis na nang-agaw ng motorsilo, tiklo

Bagsak sa kulungan ang isang pulis matapos itong arestuhin dahil sa pang-aagaw ng motorsiklo sa Makati City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si PO2 Giles Buenaflor, nakatalaga sa NCRPO Public Safety Battalion at residente ng Sta. Ana, Maynila.

Base sa salaysay ni Davelyn Labana, 26, binabagtas niya ang San Jose St., sa Barangay Olympia alas-7:45 nang harangin siya ni Buenaflor, kasunod nito ay tinutukan siya ng baril ng suspek at inagaw ang kanyang Yamaha Aerox na motorsiklo.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis-Makati hanggang sa matunton nila ang motorsiklo sa bahay ni Buenaflor.

Ngayon ay nahaharap sa kasong carnapping, illegal possession of firearms at grave threat si Buenaflor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?