239

Dec 16, 2017 @ 11:14
By

Pulis na namaril sa restaurant, kinasuhan na sa Pasay

Patong-patong na kaso ang isinampa ng Pasay City Police laban sa isang bagitong pulis na nagwala at namaril sa isang restaurant sa Pasay City noong Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Pasay City assistance chief of police for operation Superintendent Gene Licud, dakong alas-dos ng hapon nang kanilang ihain sa Pasay City Prosecutor’s Office ang mga kasong attempted homicide, grave threats at maltreatment laban kay PO1 Ivan Ichiro Ramos, na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP)-4 ng Parañaque City Police.

Sa nakarating na reklamo sa pulisya at base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, naganap ang insidete noong Linggo ng ala-1:57 ng madaling-araw, sa Harlem Restauran, Arnaiz Avenue, Pasay City.

Kung saan lasing na lasing ang suspek at habang nagwawala ito ay dinibdiban at hinampas sa braso ang ilang mga kostumer ng naturang resturant.

Pagkatapos kumuha ng bote ng beer ay nambuhos ito hanggang sa binunot nito ang kanyang baril at ilang beses na nagpaputok at mabuti na lamang ay hindi tinamaan ang mga naging biktima nitong tatlong kalalakihang pawang mga guwardiya ng Midas Hotel and Casino sa Roxas Boulevard, Pasay City na nag-iinuman din nang mga oras na iyun sa nasabing restaurant.

Pagkatapos ng insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Nabatid na simula nang maipalabas ang video ng CCTV hinggil sa pagwawala ni PO1 Ramos ay hindi na aniya ito pumasok sa kanyang duty bilang beat patrol sa PCP-4 ng Parañaque City Police.

Kapag hindi pa aniya pumasok sa kanyang duty si PO1 Ramos, bukod sa patong-patong na kaso na kinakaharap nito, malamang ay ma-Absent Without Official Leave (AWOL) ito sa serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?