19
office-of-the-ombudsman
By

Pulis na nakapatay sa totoy, sisilipin ng Ombudsman

Sharing is caring!

INIHIRIT ng Commission on Human Rights (CHR) sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang pagkakapatay ng isang pulis-Maynila sa isang binatilyo sa Tondo, Maynila.

Isinumite na ng CHR sa Ombudsman ang kasong murder ukol sa pagkakabaril ni PO2 Omar Malinao kay Adrinne Pineda sa Vitas Slaughter House.

Magugunita na bago nalagutan ng hininga si Pineda ay nasabi pa nito na isang pulis ang bumaril sa kanya.

Depensa naman ni Malinao aksidente ang pagkakabaril niya sa biktima.

Inimbestigahan na rin ng NCRPO ang insidente dahil sa posibleng paglabag sa karapatang pantao sa panig ni Malinao.

Sinabi naman ng CHR na ang kanilang hakbang ay para na rin sa pagharap ng pulis sa mga kasong kriminal at administratibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?