107

Jul 17, 2019 @ 18:31
By

Pulis na nakabaril sa 3-anyos sa Rizal buy-bust tukoy na

Kilala na ang mga pulis na nakabaril sa 3-anyos na si Myca Ulpina sa buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal noong Hunyo 30.

3-anyos na namatay sa Rizal police ops, nilibing na

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nagmula ang mga bala na nakatama kay Ulpina sa mga baril nina Master Sgt. Conrad Cabigao at Cpl. Mark Jherson Olaño.

Pagkamatay ng 3-anyos sa drug bust paiimbestigahan ni Hontiveros

Inihahanda na umano ang administrative complaint laban sa mga Rizal police member na sangkot sa pagkamatay ng bata.

Robredo sinupalpal ang ‘shit happens’ ni Bato sa pagkamatay ng 3-anyos

Mahaharap naman si PCMS Gerry Cordero, na siyang team leader ng operasyon, sa grave irregularity in the performance of duty habang grave neglect of duty naman laban kay Lt. Col. Resty Damaso dahil sa command responsibility.

PNP bukas sa imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng 3-anyos

Grave neglect of duty ang ihahain kay PCMS Vladmir Dizon, chief investigator ng Rodriguez Municipal Police Station, dahil sa pagpayag nito sa apat na patrolman investigator na siyang humawak sa operasyon nang walang supervision ng senior police investigator.

‘Shit happens’ ni Bato sa pagkamatay ng 3-anyos, pinalagan nina Lacson, Pangilinan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?