8

Oct 8, 2020 @ 17:32
By

Pulis na bantay ng mga politiko, VIP patay sa COVID

Umakyat sa 19 ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na pumanaw sa coronavirus disease.

Karamihan ay mula sa Metro Manila at Central Visayas.

Ayon sa report ng PNP Health Service, isang 51-anyos na pulis mula sa Police Security and Protection Group ang pumanaw sa virus noong August 15.

Ang biktima ay nakatalaga sa PNP unit na nagbibigay-seguridad sa mga politiko at Very Important Person (VIP).

Sa kabuuang 6,270 na kaso, 907 na lang ang ginagamot na PNP personnel laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?