101

Jun 5, 2020 @ 20:06
By

Pulis Maynila kinasuhan ng panghahalay sa criminology student

Isang miyembro ng Manila Police District (MPD) ang sinampal ng kasong rape at abortion dahil sa diumano’y pang-aabuso sa estudyanteng nag-aaral ng criminology.

Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang akusado na si Police Captain Heherson Zambale, na nakatalaga sa Sta. Cruz Police Station.

Ayon kay MPD chief Police Brigadier General Rolando Miranda, nangyari ang panghahalay noong Marso 7. Nag-apply daw noon na intern ang biktima.

Maliban sa pulis, naghain din ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa asawa nitong si Aliah Zambale at dalawa pang indibiduwal.

Samantala, ipinag-utos ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas sa lahat ng district director at chiefs of police na ihinto muna ang pagtanggap ng mga OJT request.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?