448
napolcom1
By

Pulis Marikina tinambangan sa Napolcom compound, patay

Sharing is caring!

Dead-on-the-spot ang isang pulis mula sa Marikina City matapos pagbabarilin sa ulo habang nasa parking lot ng Napolcom Bldg. sa Jupiter Street, Makati City.

Se report na natanggap ni P/Chief Supt. Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District, dumalo sa isang pagdinig ng National Police Commission (Napolcom) si PO2 Teejay Valdez, nakatalaga sa Marikina City Police Station .

Dininig ang tatlong (3) bilang ng reklamong grave misconduct laban dito at sa dalawang kapwa pulis na naging kasamahan sa Eastwood Police Station, sa Quezon City Police District. Kaugnay ito ng kanilang police operation dalawang taon nang nakakalipas.

Dakong alas-3 ng hapon kanina, palabas ng Napolcom parking area sakay ng kaniyang motorsiklo, isang nakasuot ng itim na jacket at itim na sombrero ang sumulpot sa likuran ni Valdez at tatlong beses itong binaril sa ulo.

Sinusuri na ng mga imbestigador ng Makati PNP ang mga kuha ng CCTV at kumakalap din ng pahayag ng mga testigo sa krimen para matunton ang katauhan ng nakatakas na salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?