45
ABANTE tiklo jail arrested crime girl theft
By

Pulis Marikina pinosasan ang 2 tulak, 1 nakatakas

Natakasan ng isang tulak ng illegal na droga ang Marikina Police habang tatlong tulak pa naman ang nalambat sa ikinasang drug buy bust operations, kahapon nang gabi sa Barangay Nangka.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) S/Supt. Bernabe Balba, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust bandang 9:35 kamakalawa ng gabi sa Block 20, Lot 50, 6th St., Phase 2 Balubad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City.

Nakilala ang tumakas na tulak na suspek na si Mac Nolasco alyas Bosyo, nasa hustong gulang habang arestado naman ang mga kasamahang tulak na sina Jeffrey Buensoceso, 26-anyos; Christian Miranda, 18-anyos, at James Padilla, 30-anyos, pawang mga residente ng Barangay Nangka.

Ayon kay SDEU head P/Insp. Greco Gonzales, isang pulis ang nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek hanggang sa makabili ng iligal na droga subalit nakatunog ang isa nilang kasamahan kaya agad nagkalasan ang mga suspek at doon na nakalusot ang isang tulak na si Nolasco

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 pakete na naglalaman ng shabu, isang unit ng Kawasaki Fury at P500.00 ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o illegal drugs act.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng manhunt operations ang Marikina Police para sa agarang paghuli sa tumakas na tulak. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?