47

Jan 27, 2021 @ 13:32
By

Pulis Makati wala pa ring toxicology report sa Dacera case

Sinumite ng Makati police sa city prosecutor ang lahat ng mga medikal na dokumento kaugnay sa pagpanaw ni flight attendant Christine Dacera maliban sa toxicology report.

Parehong punto ito ng mga abogado ng pamilya Dacera at ng mga respondent sa kaso.

Ang report ang dapat na magtutukoy kung nasa impluwensiya ba ng droga si Dacera noong New Year’s Day party.

“May kulang pa. On record naman iyon. Kulang na lang iyong toxicology report. Hopefully, masasagot ang katanungan sa toxicology report,” sabi ni Atty. Jose Ledda III ng Dacera camp, sa isang ambush interview sa mga reporter, Miyerkoles.

“They [Makati police] have not yet submitted toxicology results,” tugon naman ni Atty. Mike Santiago na abogado ng mga respondent na humaharap sa provisional complaint na rape with homicide ukol sa pagkamatay ni Dacera.

“The documents will speak for themselves so we will not make conclusions on this yet. We will not overstep the power of prosecutor in this case,” dagdag niya.

Si Santiago ang abogado nina respondents Rommel Galido, JP Dela Serna, Gregorio De Guzman, Clark Rapinan, at Valentine Rosales na pawang kasama ng flight attendant sa nasabing party.

Ni-require ng Makati City prosecutor’s office ang police investigators na magsumite ng dagdag pang ebidensiya–DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, at histopath examination report–para patunayan ang sinasabi ng pulisya na ginahasa at minurder si Dacera.

Dapat ay noong Enero 13 ang unang pagdinig sa preliminary investigation para sa kaso pero inurong ngayong Miyerkoles dahil hinihintay pa ng kapulisan ang resulta ng mga medical document.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?