737

May 16, 2020 @ 9:55
By

Pulis kinontra! Ragos tinaniman ng baril – NBI

Walang dalang baril si Winston Ragos, ang dating sundalo na binaril malapit sa control point sa Quezon City noong nakaraang buwan dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine.

Ayon sa source ng news site na Politiko sa National Bureau of Investigation (NBI), lumalabas na tinanim lang ang umano’y nakuha na pistol kay Ragos.

“The investigation also is leading towards the conclusion that the .38 caliber pistol on Ragos was planted,” saad sa source ng Politiko.

Sa resulta ng imbestigasyon ng NBI, lumalabas na kinokontra nito ang report ng mga pulis, na unang sinabing nakitaan ang sling bag ni Ragos ng baril, na matatandaang naudyukan si Police Master Sergeant Daniel Florendo na paputukan ito ng dalawang beses dahil may akmang dudukutin sa bag si Ragos.

Pinaimbestigahan ni Philippine Army commanding general Lt. Gen. Gilbert Gapay ang nasabing insidente sa NBI, kung saan binigyan ng Army ng full military honor si Ragos nang ihimlay ito sa Libingan ng mga Bayani.

Sa ngayon ay dismissed na si Florendo, at nahaharap sa kasong homicide na sinampa ng Quezon City Police District.

https://youtu.be/Z626w_QKxcI
Walang dalang baril si Winston Ragos, ang dating sundalo na binaril malapit sa control point sa Quezon City noong nakaraang buwan dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?