20

Jan 21, 2021 @ 21:14
By

Pulis itinumba ng riding-in-tandem

Patay sa pamamaril ang isang pulis sa Cagayan de Oro City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Cpl. El John Capawa ng Regional Plans and Strategic Management Division sa Camp Alagar ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaril sa Balangiao, Bgy. Camaman-an.

Agad naman tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspek

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang suspek at ang motibo nito sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?