29

By

Pulis itinumba ng hinuling motorista

Sharing is caring!

Agad nasawi ang isang opisyal ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos barilin sa dibdib ng hinuli nitong motorista sa Cagayan De Oro City nitong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, itinumba ang biktimang si SPO1 Sergs de Constantine Maceren ng driver ng sasakyan na pinara niya dahil sa pagkakaroon ng improvised plate sa Upper Carmen ng nabanggit na siyudad.

Kasama umano ni Maceren sina SPO2 Lyndie Baltazar at PO1 Joel Laurente ng Special Operations Team ng Regional Highway Patrol Unit-10 nang parahin nila ang isang Hyundai Accent Sedan na may improvised plate. Nakilala ang driver nito na si Abdulrahim Batawi Adilao.

Binaril din ni Adilao ang dalawang kasamang pulis ni Maceren kaya nagpaputok din ang mga awtoridad na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Naganap ang krimen, dalawang araw matapos tanggihan ng biktima ang binibigay na suhol ng dalawang violators na sina Gary Sabrido Ranalan at Franklin Jhon Cabural Ramos para makuha ang na-impound nilang sasakyan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente at inaalam kung may kaugnayan sina Ranalan at Ramos sa gunman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?