14

By

Pulis isasabak na rin sa Balikatan Exercise – Albayalde

Sharing is caring!

Hiniling ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde sa US Embassy na isama na rin sa taunang Balikatan Exercise ang mga pulis partikular ang kanilang Special Action Force troopers at PNP Regional Mobile Unit.

Ayon kay General Albayalde, makikipagpulong uli siya kay United States Ambassador to the Philippines Sung Kim para mapag-usapan ang kanilang kahilingan sa Amerika.

Naniniwala si General Albayalde na malaking tulong sa technical at operational skills ng mga pulis kung regular na silang napapasama sa Balikatan Exercise dahil ang style nito ay military training.

Sa ngayon ang mga sundalo lamang ang kasama ng mga sundalong Amerikano sa Balikatan Exercise na ginagawa sa ibat ibang lugar sa bansa taon-taon.

Siniguro naman ni Albayalde na ipapaayos rin nila ang pasilidad o training school ng PNP SAF para mas magamit sa kanilang mga pagsasanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?