buy-bust1
By

Pulis, isa pa tiklo sa buy-bust sa Mindoro

Sharing is caring!

Dinakip ang isang police officer at isa pang indibidwal matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pag- asa. San Jose Occidental Mindoro noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala itong si Police Officer 3 Armando Daprosa Viana Jr, 40 anyos, residente ng Brgy. Bubog, San Jose, Occidental Mindoro.

Si Viana ay Absence without official leave (AWOL) sa Philippine National Police (PNP) at dating miyembro ng San Jose Municipal Police Station.

Naging AWOL aniya ang pulis na ito matapos matukoy na positibo sa paggamit ng iligal ng droga ng magsagawa ng drug test noong April 16, 2018

Sinabi ni PNP MIMAROPA Spokesperson Police Supt Imelda Tolentino alas 11:45 ng gabi kagabi nang ikasa ng mga pulis ang buy bust operation sa Aurelio Village, Brgy. Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro.

Dahil dito, inaresto si Viana at kasama nitong si Desiree Sulayao Acong, 28 anyos.

Narekober sa kanila ang limang piraso ng plastic sachet na naglalaman nag shabu at marked money na P1,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?