32

Jan 29, 2020 @ 15:59
By

Pulis inambus sa Negros Oriental, dedo

Dead on arrival sa pagamutan ang isang opisyal ng San Jose PNP matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin, Martes ng gabi sa national highway ng Barangay Tapon Norte, San Jose, Negros Oriental.

Nakilala ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Roldan Esmajer, 47 anyos, Deputy Chief of Police sa bayan ng San Jose sa Negros Oriental na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa kanyang upper abdomen, right lateral chest area, at right shoulder.

Naganap ang pamamaril bandang 7:00 ng gabi, Enero 28, sa kahabaan ng national highway ng Barangay Tapon Norte, San Jose, Negros Oriental.

Papunta noon ang biktima sa presinto mula sa police operation sakay ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek at pagbabarilin, kaya agad itong namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?