28

Jan 15, 2021 @ 11:57
By

Pulis inambus sa Laguna

Pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek ang isang parak sa Cabuyao, Laguna.

Kinilala ang yumaong biktima na si Police Staff Sgt. Christian Ramos, na nagtamo ng ilang tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng pulis Cabuyao, sinabing minamaneho ni Ramos ang kanyang motorsiklo nang barilin siya sa Yulo Road sa Barangay Pitland dakong 9:40 ng umaga, Huwebes.

Nakasakay din umano ng motorsiklo ang suspek.

Sabi ng pulisya, nakatalaga si Ramos sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng pulis Calabarzon.

Inaalam pa ang rason sa pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?