96

Dec 25, 2017 @ 12:20

Pulis huli sa iligal na pagpapaputok ng baril

Arestado ang isang bagigong pulis dahil sa diumanoy walang habas na pagpapaputok na baril sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si PO1 Arnold Gabriel Sabillo, nakatalaga sa Montalban Police Station.

Ayon sa report, nagpapatrulya ang mga elemento Police Community Precinct 7 ng Pasig City nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa pagpapaputok ng pulis na baril sa Brgy. Santolan.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nadatnan nila si Sabillo na nagpapaputok.

Nabawi sa suspek ang kanyang 9-mm Beretta na may 11 bala gayundin ang tatlong magazine na wala nang bala.

Isasailalim sa booking at paraffin test si Sabillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?