21

Nov 3, 2020 @ 16:09
By

Pulis hinahanting sa pagkamatay ng magsasaka

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Internal Affairs Service (IAS) ng Western Visayas Regional Police kaugnay sa pagkakasangkot ng isang bagitong pulis sa pagkamatay ng isang 43-anyos na magsasaka sa bayan ng Dumarao, Capiz.

Sinabi ni Col. James Brillantes, Regional IAS 6 head, na bagama’t lumabas sa inisyal na report na self-defense ang dahilan ni Patrolman Mamerto Arellano, kinakailangan pa rin ng malalim na pagsisiyasat tungkol sa kaso.

Batay sa report, pauwi na sa bahay si Arellano kasama ang kanyang biyenan at isa pa noong Biyernes ng umaga nang sumulpot si Renato Pampag at umano’y inatake ang pulis ng hawak niyang patalim.

Nakaiwas umano si Arellano sa atake at nabaril si Pampag na nagresulta sa pagkamatay nito.

Sinasabing galing si Arellano at mga kasama niya sa pag-areglo sa hidwaan sa lupa sa Barangay Sagrada Familia sa Dumarao nang mangyari ang pang-aatake.

Tumakas si Arellano matapos ang insidente at hindi pa nagdu-duty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?